Mensaheng pambati para sa Ika-71 Anibersaryo ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, ipinadala ni Xi Jinping kay Nguyen Phu Trong

2021-01-18 11:14:48  CMG
Share with:

Kaugnay ng Ika-71 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, ipinadala ngayong araw, Lunes, Enero 18, 2021 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang mensaheng pambati kay Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pangulo ng bansa.

 

Sa mensahe, tinukoy ni Xi na sapul noong isang taon, patuloy na bumubuti ang relasyong Sino-Biyetnames.

 

Sa harap aniya ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), magkasama natamo ng dalawang bansa ang malaking bunga sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, bagay na nagpakita ng malalim na damdamin at pagkakaibigan ng dalawang panig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

 

Ipinagdiinan ni Xi na ang pagpapatibay ng pagkakaibigan at pagpapalalim ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Biyetnam ay angkop sa komong kapakanang estratehiko.

 

Ipinahayag ni Xi, na handa siyang magsikap kasama ni Nguyen Phu Trong para mapasulong ang walang humpay na pagtatamo ng bagong progreso ng relasyon ng dalawang partido at bansa.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method