Mensaheng pambati para sa Ika-71 Anibersaryo ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, ipinadala ni Wang Yi kay Pham Binh Minh

2021-01-18 14:29:29  CMG
Share with:

Kaugnay ng Ika-71 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, ipinadala ngayong araw, Lunes, Enero 18, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mensaheng pambati kay Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam.

 

Sa mensahe, sinabi ni Wang na noong isang taon, patuloy na bumuti ang relasyong Sino-Biyetnames.

 

Aniya pa, sa bagong taon, nakahanda siyang magsikap kasama ni Pham Binh Minh, para mapasulong ang sustenable, malusog, at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method