Xi Jinping: Buong buo ang tiwala sa matagumpay na pagtataguyod ng 2022 Olympic Winter Games

2021-01-19 15:39:48  CMG
Share with:

Beijing, Tsina— Binisita nitong Lunes, Enero 18, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ilang lugar kung saan isinasagawa ang mga paghahanda para sa 2022 Olympic at Paralympic Winter Games.

Xi Jinping: Buong buo ang tiwala sa matagumpay na pagtataguyod ng 2022 Olympic Winter Games_fororder_20210119XiOlimpiyada2

Sa Capital Gymnasium, detalyadong nalaman ni Xi ang kalagayan ng paghahanda ng figure skating at short track speed skating team ng bansa para sa Olimpiyada. Aniya, buo ang tiwala niya sa matagumpay na pagtataguyod ng Olympic at Paralympic Winter Games.

Xi Jinping: Buong buo ang tiwala sa matagumpay na pagtataguyod ng 2022 Olympic Winter Games_fororder_20210119XiOlimpiyada1

Sa distritong Yanqing, isa sa tatlong pagdarausan ng Olympic Winter Games, ipinagdiinan ni Xi na dapat pataasin ang lebel ng palakasan sa yelo’t niyelo, lalong lalo na, palakasan sa niyebe ng Tsina, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng Olimpiyada sa taglamig.
 

Sa kabila ng epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), natapos na ang konstruksyon ng lahat ng mga lugar na pagdarausan ng palaro, ayon sa nakatakdang iskedyul. Sabay-sabay na natapos din ang konstruksyon ng kaukulang imprastruktura.
 

Salin: Vera

Please select the login method