Ministro ng Kalusugan ng Serbia, binakunahan ng Chinese vaccine

2021-01-20 10:50:11  CMG
Share with:

Ministro ng Kalusugan ng Serbia, binakunahan ng Chinese vaccine_fororder_20210120Serbia550

Nitong Martes, Enero 19, 2021, binakunahan si Zlatibor Loncar, Ministro ng Kalusugan ng Serbia, ng COVID-19 vaccine  ng Sinopharm ng Tsina. Siya ang unang taong tumanggap ng bakunang Tsino sa bansang ito.
 
Pagkatapos mabakunahan, sinabi ni Loncar na ligtas at mabisa ang Chinese vaccine.
 
Nanawagan din siya sa mga mamamayan na magpabakuna. Dahil sa kasalukuyan,  ang pagbabakuna ang tanging paraan sa pakikibaka ng Serbia laban sa COVID-19, dagdag pa niya.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method