CMG Komentaryo: Sana’y hindi kana namin muling makita, pinakamasamang Kalihim ng Estado ng Amerika sa kasaysayan

2021-01-21 14:34:33  CMG
Share with:

Sa bisperas ng paglilipat ng kapangyarihan patungo sa bagong administrasyong Amerikano, lumikha pa ng kaguluhan at komprontasyon si Mike Pompeo, dating Kalihim ng Estado ng Amerika.

 

Ayon sa “Washington Post,” kasabay ng paglalagay ng hadlang sa susunod na administrasyong Amerikano, nangangalap lamang ng politikal na interes si Pompeo upang kanyang magamit na puhunan para sa pampanguluhang halalan sa 2024.

 

Kung magtatagumpay ang kanyang diplomatikong patakaran na pangibabawin ang sariling ambisyong pulitikal sa kapakanang pang-estado, wala duda, ito ay isang napakalaking pinsala sa buong daigdig.

 

Gamit ang diplomasya ng pananakot, pagsisinungaling, at pagbibigay ng sangsyon, ipinakikita ni Pompeo sa buong daigdig ang kayabangan at pagkukunwari, bagay na nagbubunyag sa uri ng di-umano’y “demokrasya,” “kalayaan,” at “karapatang pantao” na isinusulong at ipinagkakampeon ng Amerika.

 

Oras na para bumaba si Pompeo sa kanyang puwesto.

 

Sana’y hindi kana namin muling makita, pinakasamang Kalihim ng Estado ng Amerika.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method