Sinabi nitong Huwebes, Enero 21, 2021 ni Thomas Bach, Tagapangulo ng International Olympic Committee (IOC) na tiyak na idaraos ang Tokyo Olympic Games sa darating na tag-init, ayon sa nakatakdang iskedyul.
Sa kabila ng kalagayang hindi nakokontrol ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), walang plan B ang IOC.
Saad ni Bach, ang pinakamahalagang tungkulin ay paggarantiya sa seguridad, at kailangang maging pleksible at magsakripisyo ang IOC.
Salin: Vera