Ipinahayag nitong Biyernes, Enero 22, 2021 ni Dmitri Peskov, Tagapagsalita ng Pangulong Ruso, ang mainit na pagtanggap sa kahandaang pulitikal ng Amerika na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng Strategic Arms Reduction Treaty. Ngunit ipinalalagay niyang ang lahat ay depende sa ihaharap na mungkahi ng panig Amerikano tungkol sa nasabing proposal.
Ipinahayag noong Enero 21 ng White House ang kahandaang pahabain ng 5 taon ang malapit ng mawalang-bisang Strategic Arms Reduction Treaty.
Sinabi ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng White House, na naniniwala si Pangulong Joseph Biden na ang nasabing kasunduan ay angkop sa pambansang kapakanang panseguridad ng Amerika. Sa umiiral na relasyong konprontasyonal sa pagitan Amerika at Rusya, mas namumukod ang katuturan sa pagpapahaba ng bisa ng kasunduang ito, aniya pa.
Salin: Lito
Pulido: Mac