Tsina, bansang nakaakit ng pinakamaraming pondong dayuhan noong 2020

2021-01-25 15:03:22  CMG
Share with:

Sa panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Zhan Xiaoning, Puno ng Departamento ng Pamumuhunan at Bahay-kalakal ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), na sa kabila ng negatibong epekto ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), lumaki pa rin ang naakit na pondong dayuhan ng Tsina noong 2020, at nalampasan pa nito ang Amerika bilang bansang pinapasukan ang pinakamaraming pondong dayuhan sa buong daigdig.
 

Ayon sa UNCTAD, noong isang taon, umabot sa 163 bilyong dolyares ang pondong dayuhang aktuwal na pumasok sa Tsina.
 

Ito ay mas malaki ng 4% kumpara sa taong 2019.
 

Bukod dito, tumaas din sa 19% ang proporsiyon ng pag-akit ng pondong dayuhan ng Tsina sa buong mundo.


Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method