Eksperto ng UNCTAD: RCEP, makakatulong sa pagdaragdag ng direktang pamumuhunang dayuhan

2020-11-22 16:50:01  CMG
Share with:

Sa panayam kamakailan sa China Media Group, ipinahayag ni James Zhan, Direktor ng Investment and Enterprise Division ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay makakatulong sa pagdaragdag ng direktang pamumuhunang dayuhan sa pagitan ng mga kasaping bansa nito, at mula sa ibang mga bansa sa labas ng rehiyon ng kasunduan.

 

Sinabi ni Zhan, na batay sa kasunduan ng RCEP, ipinangako ng lahat ng 15 kasaping bansa ang paggawa ng negatibong listahan, upang pataasin ang lebel ng pagbubukas at dagdagan ang transparency ng mga patakaran para sa pamumuhunang dayuhan.

 

Dahil dito aniya, inaasahang lalaki pa ang direktang pamumuhunang dayuhan sa mga kasaping bansa ng RCEP mula sa ibang mga kasapi at ibang mga panig sa labas ng rehiyon ng kasunduan.

 

Biniyang-diin din ni Zhan, na ang pagdaragdag ng pamumuhunang dayuhan ay makakatulong sa paglikha ng lalo pang maraming hanapbuhay, at paglakas ng industrial chain.

 

Ito aniya ay makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang kasaping bansa ng RCEP.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method