Mula Enero 25 hanggang 29, gaganapin ang virtual Dialogue Meeting ng Davos Agenda ng World Economic Forum (WEF).
Sa paanyaya ni Klaus Schwab, tagapagtatag at tagapagpaganap na tagapangulo ng WEF, dadalo at bibigkas dito ng talumpati sa pamamagitan ng video link si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Apat (4) na taon na ang nakararaan, dumalo sa unang pagkakataon si Xi sa taunang pulong ng WEF.
Sa kanyang keynote speech sa seremonya ng pagbubukas, sistematiko niyang inilahad ang palagay at paninindigan ng panig Tsino sa globalisasyong pangkabuhayan, bagay na nakatawag ng malaking reaksyon ng komunidad ng daigdig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio