Kasaysayan, kultura, at sistemang panlipunan ng iba’t-ibang bansa, may nagkakaibang kabutihan — Xi Jinping

2021-01-25 21:50:45  CMG
Share with:

Sa kanyang espesyal na talumpati sa virtual Dialogue Meeting ng Davos Agenda ng World Economic Forum (WEF), ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na walang magkaparehong dahon ng halaman sa mundo.
 

Sa katulad na paraan, wala rin aniyang magkaparehong kasaysayan, kultura, at sistemang panlipunan sa daigdig.
 

Ani Xi, may nagkakaibang kabutihan ang kasaysayan, kultura, at sistemang panlipunan ng iba’t-ibang bansa.
 

Kung ang mga ito aniya ay angkop sa kalagayang pang-estado ng bansa, makakamit ang suporta ng mga mamamayan, makakapagbigay ng katatagang panlipunan at progresong panlipunan, mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, at makakapagbigay ng ambag para sa pagsulong ng usapin ng sangkatauhan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method