Sa talumpating binigkas nitong Lunes, Enero 24, 2021, sa pamamagitan ng video link sa Davos Agenda ng World Economic Forum (WEF), binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na walang dudang mananaig sa coronavirus ang sangkatauhan, at magiging mas malakas pa pagkaraan ng pandemiya.
Pero aniya, ang pandemiya ay malayo pang matapos. "Ang muling pagdami kamakailan ng mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagpapaalala sa atin na dapat nating ipagpatuloy ang paglaban," dagdag ni Xi.
"Gayunpaman buong tatag tayong nananalig na hindi mapipigilan ng taglamig ang pagdating ng tagsibol, at hindi mababalutan ng kadiliman ang liwanag ng bukang liwayway," aniya pa.
Salin: Liu Kai
Pangulong Xi: Tsina, gumagawa ng mga aksyong kapaki-pakinabang sa buong sangkatauhan
Kooperasyon, nararapat upang malutas ang mga isyung pandaigdig - Xi Jnping
Xi Jinping, bumigkas ng espesyal na talumpati sa virtual Davos Agenda 2021
Dapat igarantiya ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga umuunlad na bansa — Xi Jinping