Nag-usap Lunes ng gabi, Enero 25, 2021 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC).
Tinukoy ni Xi na unang una na nakontrol ng Tsina ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa, at naisakatuparan ang pagbangon ng kabuhayan, bagay na nakalikha ng paborableng kondisyon para sa maalwang pagdaraos ng Beijing Olympic Winter Games.
Isinalaysay niyang sa kasalukuyan, natamo ng konstruksyon ng mga pagdarausan ng Olimpiyada at imprastruktura ang bunga sa isang yugto, maayos na sumusulong ang gawain ng pag-o-organisa ng mga paligsahan at paggarantiya sa serbisyo ng mga paligsahan, malalimang isinasagawa ang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan, at kapansin-pansin ang natamong bunga ng sustenableng pag-unlad at gawain ng pamana.
Dagdag ni Xi, may kompiyansa ang Tsina na matapos ang iba’t ibang gawaing preparatoryo, ayon sa nakatakdang iskedyul, upang igarantiya ang matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Winter Games.
Taos-pusong binati ni Bach ang namumukod na resulta ng Tsina sa paglaban sa pandemiya at pagpapanumbalik ng kabuhayan. Aniya, susuportahan ng IOC ang ideya ng Tsina sa pagtataguyod ng isang berde, inklusibo, bukas at malinis na Olimpiyada.
Salin: Vera