Ayon sa ulat ng magasing Today India, ipinakikita ng resulta ng ika-5 round ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) antibodies test sa rehiyon ng New Delhi, kabisera ng India, na isa kada dalawa ang nagpositibo sa COVID-19 antibodies, bagay na nagpapatunay na nahawahan minsan sila ng coronavirus.
Ang nasabing pagsusuri ay isinagawa mula Enero 10 hanggang 23, 2021. 28,000 sample ang kinolekta sa 280 rehiyon sa kabisera.
Ayon sa inisyal na resulta, nagpositibo sa COVID-19 anitibodies ang 60% ng mga nakatanggap ng pagsusuri.
Sa palagay ng Today India, halos 20 milyon ang populasyon sa New Delhi, at ito ay nangangahulugang di-kukulangin sa 10 milyong tao ang nahawahan na ng coronavirus.
Salin: Vera