Sa pamamagitan ng mabilis na proseso, magkahiwalay na naaprubahan nitong Miyerkules, Enero 27, 2021 ng Federation Council at State Duma ng Rusya ang pagpapahaba ng panahon na may-bisa ang Strategic Arms Reduction Treaty (New START).
Ayon sa proklamasyong inilabas sa website ng State Duma ng Rusya, nilagdaan nitong Martes ng Rusya at Amerika ang kasunduan tungkol sa pagpapahaba ng 5 taon sa panahon na may-bisa ang New START.
Ito ay nakakatulong sa proseso ng nuclear disarmament, anang proklamasyon.
Ipinahayag naman ni Ministrong Panlabas Sergey Ryabkov ng Rusya, na ang nasabing kapasiyahan ng Rusya at Amerika ay nagkakaloob ng posibilidad ng pagkakaroon ng diyalogo ng dalawang bansa tungkol sa isyu ng estratehikong seguridad ng buong daigdig sa hinaharap.
Salin: Lito
Pulido: Rhio