Kabuhayan ng Amerika, dumadanas ng pinakamalubhang resesyon nitong 74 na taong nakalipas

2021-01-30 13:26:52  CMG
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Huwebes, Enero 28, 2021 ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika, sa epekto ng pandemiya ng COVID-19, bumaba ng 3.5% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Amerika noong 2020 na naging pinakamalaking pagbaba sapul noong taong 1946.
 
Sapul nang sumiklab ang pandaigdigang krisis na pinansiyal noong 2008, ito ang kauna-unahang resesyong pangkabuhayan ng Amerika sa buong taon, bagay na nagpapakita ng napakalubhang pinsala ng pandemiya sa kabuhayan.
 
Ipinalalagay ng ilang ekonomista na ang kasalukuyang pinakamalaking elemento ng kawalang-katatagan sa kabuhayang Amerikano ay ang  pagkakaroon  o hindi ng mga unemployed population sa mga. bagong trabaho sa lalong madaling panahon.
 
Upang mapigilan ang pagkalat ng pandemiya at mapasulong ang pag-ahon ng kabuhayan, iniharap kamakailan ng administrasyon ni Joseph Biden ang plano ng pagbibigay-tulong sa kabuhayan na nagkakahalaga ng 1.9 trilyong dolyares.


Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method