Pangkalahatang Kalihim ng UN, nabakunahan na

2021-01-30 13:29:16  CMG
Share with:

New York City — Nabakunahan nitong Huwebes, Enero 28, 2021 ng unang turok ng COVID-19 vaccine si António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN).
 
Ipinahayag niya ang pasasalamat sa kanyang pagbabakuna. Hinimok niya ang komunidad ng daigdig na igarantiya ang pantay na pagkakaloob ng bakuna sa lahat ng tao.
 
Ipinahayag din nang araw ring iyon ng isang opisyal ng New York na ang pagbabakuna kay Guterres ay nakakatulong sa pagkakaroon ng mga residente ng New York ng tiwala sa COVID-19 vaccine.


Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method