Dumating nitong Huwebes, Enero 28, 2021 ng Santiago, kabisera ng Chile, ang 2 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Sinovac ng Tsina.
Sinalubong sa paliparan ang shipment nina Pangulong Sebastian Pinera at Health Minister Jaime Manalich ng Chile, at Charge d'Affaires Zhou Yi ng Pasuguang Tsino sa Chile.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, sinabi ni Pangulong Pinera na napakahalaga ng bakuna ng Sinovac para sa paglaban ng kanyang bansa sa pandemiya.
Aniya, babakunahan siya mismo sa kalagitnaan ng Pebrero.
Ayon kay Pinera, sisimulan ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Chile sa Pebrero 3, at ipapadala sa Chile ang ika-2 pangkat ng bakuna ng Sinovac sa katapusan ng Pebrero.
Salin: Vera
Mahigit 22.76 milyong dosis ng bakuna laban sa COVID-19, nai-iniksiyon na ng Tsina
Dalubhasa ng WHO: pagsisikap ng Tsina sa bakunang laban sa COVID-19, pinahahalagahan
Pamahalaan ng Malaysia, lumagda sa kontrata ng pagbili ng CoronaVac ng Tsina
Tsina: Wala dapat masamang kompetisyon ang mga bansa sa isyu ng bakuna kontra COVID-19