Panig militar ng Myanmar, sinamsam ang kapangyarihan sa bansa: Myanmar, nasa state of emergency

2021-02-01 16:49:29  CMG
Share with:

Idinetine kaninang madaling araw, Pebrero 1, 2021 ng panig militar sina State Counsellor Aung San Suu Kyi, Pangulong U Win Myint, at ilan pang mataas na opisyal ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar.
 

Sa pahayag na ipinalabas ngayong umaga, Pebrero 1 mula sa istasyon ng telebisyon ng panig militar, ipinatalastas nito ang pagsamsam sa kapangyarihan sa bansa.
 

Bukod dito, inilabas ng palasyong pampanguluhan ng Myanmar ang atas bilang 202101 na nagpapatalastas ng pagpasok ng bansa sa state of emergency na tatagal ng isang taon.
 

Ayon sa panig militar, matapos ang state of emergency, idaraos muli ang pambansang halalan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method