State Counsellor Aung San Suu Kyi at Pangulong U Win Myint ng Myanmar, idinetine ng militar

2021-02-01 11:42:37  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Lunes, Pebrero 1, 2021 ni Myo Nyunt, Tagapagsalita ng National League for Democracy (NLD), naghaharing partido ng Myanmar, na idinetine kaninang madaling araw ng panig militar sina State Counsellor Aung San Suu Kyi, Pangulong U Win Myint, at ilan  pang mataas na opisyal ng NLD ng Myanmar.
 

Ayon sa ulat, huminto na ang pagsasahimpapawid ng state-run Myanmar Radio and Television (MRTV), at naputol na rin ang telekomunikasyon sa pagitan ng kabiserang Nay Pyi Taw at ibang mga rehiyon ng bansa.
 

Nitong ilang panahong nakalipas, umiiral ang sigalot sa pagitan ng panig militar at NLD tungkol sa resulta ng pambansang halalan noong isang taon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method