Xi Jinping, nagpa-abot ng pagbati kay Nguyen Phu Trong sa kanyang panunungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng CPV

2021-02-01 11:41:07  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Linggo, Enero 31, 2021 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa kay Nguyen Phu Trong bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
 

Sa mensahe, sinabi ni Xi, na sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC at kanyang sarili, isang maringal na pagbati ang ipinapa-abot niya kay Nguyen Phu Trong at bagong liderato ng CPV.
 

Nananalig aniya siya, na sa pamumuno ng bagong liderato ng CPV na pinamumunuan ni Nguyen Phu Trong, matatamo ng iba’t-ibang usapin ng partido at bansa ng Biyetnam ang mga mas malaking tagumpay.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method