Kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa, makakapagtingkad ng bagong kasiglahan para sa komong kaunlaran

2021-02-09 16:46:14  CMG
Share with:

Sa regular na preskon ngayong araw, Pebrero 9, 2021, sinabi ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa ay plataporma ng transrehiyonal na kooperasyon na itinatag ng kapuwa panig, batay sa komong mithiin, komong pangangailangan at komong kaunlaran. Nililikha aniya nito ang pagkakataon para sa komong kaunlaran ng magkabilang panig.
 

Isinalaysay ni Wang na nitong nakalipas na 9 na taon, unti-unting nakumpleto ang mekanismo ng nasabing kooperasyon, at mabungang mabunga ito.
 

Patitingkarin ng kasalukuyang summit ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa ang bagong kasiglahan para sa kooperasyon ng kapuwa panig, maging ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Europa, dagdag niya.
 

Salin: Vera

Please select the login method