Mangungulo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa summit ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa na gaganapin ngayong Martes, Pebrero 9, 2021 sa Beijing, at bibigkas siya ng keynote speech.
Ang impormasyong ito ay ipinaalam ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ang nasabing summit ay itataguyod sa pamamagitan ng video link, sa ilalim ng mungkahi ng panig Tsino. Mga lider o kinatawan sa mataas na antas ng mga bansa ng Gitna at Silangang Europa at mga kinatawan ng mga tagamasid ng kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa ang inanyayahang lumahok dito.
Salin: Vera