Pagbati ipinaabot ng Tsina at Nigeria sa isa't-isa, kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng kanilang relasyong diplomatiko

2021-02-10 14:53:17  CMG
Share with:

Pagbati ipinaabot ng Tsina at Nigeria sa isa't-isa, kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng kanilang relasyong diplomatiko_fororder_VCG111313548223

 

Bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Nigeria, nagpalitan ng mensaheng pambati sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Geoffrey Onyeama, Ministrong Panlabas ng Nigeria.

 

Kinilala ng dalawang ministrong panlabas ang matatag, malusog at malakas na pag-unlad ng bilateral na ugnayan ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan, nitong limang dekadang nakalipas.

 

Ipinahayag din nila ang pagpapahalaga ng kapuwa panig sa mahigpit na pagdadamayan sa mga suliraning pandaigdig, na gaya ng paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Nakahanda anila silang patuloy na magkapit-bisig para walang patid na mapasulong ang estratehikong partnership ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method