Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga mamamahayag, kasama ng kanyang Nigerian counterpart na si Geoffrey Onyeama, ipinahayag nitong Martes, Enero 5, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang Aprika ay lugar para sa kooperasyong pandaigdig, at hindi arena ng superpower games.
Saad ni Wang, naging matibay ang pagkakaibigan ng Tsina at Aprika nitong nakalipas na panahon.
Ang kooperasyon ng kapuwa panig ay hindi lamang nakapaghatid ng malinaw na pagbabago sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan sa lokalidad, kundi nakapagpatingkad din ng mahalagang papel para sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Aprikano, diin ni Wang.
Dagdag niya, sa mula’t mula pa’y ipinalalagay ng panig Tsino na ang pagkatig sa pag-unlad ng Aprika ay komong responsibilidad ng komunidad ng daigdig.
Nakahanda aniya ang panig Tsino na aktibong pasulungin ang trilateral at multilateral na kooperasyon sa Aprika, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa pagpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng Aprika.
Salin: Vera