Mahigit 3 milyong bata sa Amerika, nahawahan ng COVID-19

2021-02-18 14:49:16  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng American Academy of Pediatrics at Children’s Hospital Association, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), mahigit 3 milyong batang Amerikano ang nahawahan ng sakit na ito.

 

Ayon pa sa naturang datos, ang nabanggit na bilang ay katumbas ng halos 13% ng kabuuang bolyum ng kumpirmadong kaso.

 

Samantala, mula noong Enero 28 hanggang Pebrero 11, 2021, lampas sa 210 libo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng mga batang Amerikano, dagdag ng datos.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method