Ini-abuloy na COVID-19 vaccine ng Tsina sa Belarus, dumating na ng Minsk

2021-02-20 11:13:27  CMG
Share with:

Dumating nitong Biyernes, Pebrero 19, 2021 sa Minsk ang mga ini-abuloy na bakuna ng COVID-19 ng pamahalaang Tsino sa Belarus. Ang nasabing mga bakuna ay sinubok-yari ng Sinopharm.

 

Ito ay naglalayong isakatuparan ang mahalagang komong palagay na narating kamakailan sa pag-uusap sa telepono nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong  Alexander Lukashenko ng Belarus. Muli nitong napatunayang nakaranas ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Belarus sa pagsubok ng kahirapan.

 

Sinabi ni Xie Xiaoyong, Embahador ng Tsina sa Belarus, na nakahanda ang panig Tsino na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Belarus sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19 upang magkasamang mapasulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan.


Salin: Lito

Please select the login method