Komiteng Tagapag-organisa ng Winter Olympics ng Beijing, nagpadala ng pagbati kay Seiko Hashimoto

2021-02-21 12:58:11  CMG
Share with:

Isang pagbagti ang ipinadala nitong Sabado, Pebrero 20, 2021, ng Komiteng Tagapag-organisa ng Winter Olympics ng Beijing kay Seiko Hashimoto kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang presidente ng Komiteng Tagapag-organisa ng Olympics ng Tokyo.

 

Ayon sa mensahe, tiyak na ma-o-organisa ni Seiko Hashimoto ang puwersa ng iba’t-ibang panig at maayos na mahaharap ang mga hamong dulot ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) para pamunuan ang Tokyo sa pagtataguyod ng Tokyo Olympics.

 

Sa opisyal na website, ipinahayag ng Komiteng Tagapag-organisa ng Winter Olympics ng Beijing na ang biglang pagsiklab ng pandemiya ay nagdudulot ng napakalaking hamon sa paghahanda ng Tokyo Olympics at Beijing Winter Olympics.

 

Sa panahong ito, sa ilalim ng puspusang pagkatig ng International Olympic Committee, nagkaroon ng malawak at mahigpit na pagkokoordinahan ang Komiteng Tagapag-organisa ng Winter Olympics ng Beijing at Komiteng Tagapag-organisa ng Olympics ng Tokyo, at naisagawa ang aktibo at mabisang pagpapalitan at pagtutulungan, dagdag ng pahayag.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method