Mga kasinungalingan tungkol sa Xinjiang, tututulan ng mga taong naninindigan sa katarungan

2021-02-23 16:55:43  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Lunes, ika-22 ng Pebrero 2021, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa harap ng katotohanan, walang laban ang mga kasinungalingan tungkol sa Xinjiang, at tututulan ang mga ito ng mga taong naninindigan sa katarungan.

 

Nauna rito, inilabas ng The Greyzone, indipendiyenteng news website, ang isang artikulo, kung saan ipinakita ang maraming datos at katotohanan, at napatunayang kasinungalingan ang di-umanong pagsasagawa ng pamahalaang Tsino ng genocide sa mga etnikong minorya sa Xinjiang.

 

Dagdag ng artikulo, ang naturang kasinungalingan ay nilikha ng ilang politikong Amerikano, sa pamamagitan ng paggamit ng mga di-totoong datos, pagpilipit sa mga impormasyon, pag-imbento ng mga pangyayari, at iba pang paraan.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method