Sa isang webinar na itinaguyod ng panig Tsino hinggil sa likas na tanawin at tagumpay na pangkaunlaran ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina nitong Miyerkules Pebrero 3, 2021, ibinahagi ng isang kinatawang Lao ang kanyang karanasan sa pagbisita sa Xinjiang noong 2019. Sinabi niyang walang landas na pangkaunlaran sa daigdig na angkop sa lahat ng mga bansa. Tunay na natamo ng pamahalaang Tsino ang napakalaking tagumpay sa aspekto ng pag-unlad ng lipunan at pangangalaga sa karapatang pantao.
Nitong nakalipas na ilang taon, nakita ng komunidad ng daigdig ang progreso ng pag-unlad ng lipunan ng Xinjiang.
Inilabas kamakailan ang “Ulat ng Panlipunang Responsibilidad ng Cotton Spinning Industry ng Xinjiang,” bagay na nakatawag ng malawakang pansin sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa nasabing ulat, pagkaraan ng halos 70 taong pag-unlad, ang cotton spinning industry ay nagsisilbing napakahalagang larangan para sa mga mamamayan ng iba’t-ibang nasyonalidad ng Xinjiang, maging sa textile at clothing industry ng Tsina at buong daigdig.
Sa kasalukuyan, ang cotton spinning industry ng Xinjiang ay hindi lamang naggagarantiya ng ikinabubuhay ng ilang milyong populasyon sa nasabing rehiyon, kundi nakakapagpabuti rin sa kanilang pamumuhay, at nakakapagbigay-kasiyahan sa pangangailangan ng mga mamimili ng buong mundo ng mga magagandang damit.
Malinaw ang katotohanang may kinalaman sa Xinjiang. Sa pamamagitan ng matinong trabaho, may maligayang pamumuhay ang mga mamamayan ng etnikong grupo sa Xinjiang, at pinasusubalian nito ang walang-hiyang kasinungalingang nilikha ng ilang pulitikong kanluranin.
Salin: Vera