Nagsanggunian nitong Linggo, Pebrero 21, 2021 sa Tehran sina Rafael Mariano Grossi, Direktor-Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA), at Ali Akbar Salehi, Puno ng Atomic Energy Organization of Iran (AEOI).
Sa isang magkasanib na pahayag na inilabas nang araw ring iyon ng dalawang panig, nagkasundo sila sa pansamantalang bilateral na kompromisong teknikal tungkol sa pagsusuri at pagmo-monitor ng IAEA sa Iran.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Pebrero 22 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang ipinalalagay ng panig Tsino na ang pagbalik ng panig Amerikano sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) ay tanging tumpak na paraan para sa paglutas sa kasalukuyang deadlock ng isyung nuklear ng Iran.
Diin pa ni Wang, hinihimok ng panig Tsino ang iba’t-ibang kaukulang panig na magtimpi para maiwasan ang pagsasagawa ng anumang kilos na posibleng magpalala sa situwasyon.
Salin: Lito
Pulido: Mac