Tsina, mariing tinutulan ang pakikialam ng Parliamento ng Kanada sa suliranin ng Xinjiang

2021-02-24 08:44:30  CMG
Share with:

Matinding pagtutol at representasyon ang ipinahayag at inilunsad kamakailan ng Tsina kaugnay ng pagkakapatibay ng Parliamento ng Kanada sa mosyon hinggil sa isyu ng Xinjiang.

 

Sa regular na preskon nitong Martes, Pebrero 23, sinabi ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang naturang mosyon ay isang panlalait sa Tsina, at panghihimasok sa suliraning panloob ng bansa.

 

Labag din ito sa mga pandaigdig na batas at norma, diin ni Wang.

 

Aniya pa, walang nangyayaring panlilipol-lahi o“genocide”sa Xinjiang, na tulad ng nakasaad sa nasabing mosyon ng Kanada; bagkus mapayapa’t matatag na nakikipamuhayan at nagtatamasa ng mga karapatan ang iba't ibang lahi sa rehiyon. 

 

Tsina, mariing tinutulan ang pakikialam ng Parliamento ng Kanada sa suliranin ng Xinjiang_fororder_500xinjiang

Mga kababaihan mula sa lahing Kazak sa Xinjiang at kanilang mga binurdang produkto. Ang burda ng grupong etniko ng mga Kazak ay intangible heritage ng Xinjiang. Larawang kuha Nobyembre 16, 2020, CFP.  

 

Salaysay ni Wang, bunga ng pagsisikap ng lahat ng mga mamamayan ng iba't ibang grupong etniko sa Xinjiang, nabura ang mga teroristikong karahasan nitong apat na taong nakalipas.

 

Mula 2010 hanggang 2018, ang bilang aniya ng mga Uyghur sa Xinjiang ay pumalo sa 12.72 milyon mula sa 10.17 milyon, na mas malaki ng 25.04%.

 

Ang naturang growth rate ay mas mataas kumpara sa pagtaas ng buong populasyon ng Xinjiang na umabot sa 13.99%, at mas mataas din ito sa paglaki ng populasyon ng lahing Han (mayoryang lahi ng mga Tsino) na 2%, dagdag ni Wang.

 

Inulit din ng tagapagsalitang Tsino na ang mga wika, kulturang tradisyonal at kaugalian ng lahat ng mga grupong etniko ng Xinjiang ay mainam na pinangangalagaan at isinasalin.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method