Pinabulaanan nitong Huwebes, Pebrero 4, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang inilabas na ulat ng British Broadcasting Corporation (BBC) tungkol sa Xinjiang.
Ipinagdiinan ni Wang na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang panghihimasok ng anumang puwersang panlabas sa mga suliraning panloob ng Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Xinjiang. Patuloy at buong tatag aniyang pangangalagaan ng panig Tsino ang soberanya, seguridad, at kapakapang pangkaunlaran ng bansa.
Bukod dito, hindi rin totoo ani Wang ang pahayag ni Adrian Zenz, miyembro ng Victims of Communism Memorial Foundation, isang American extreme right-wing organization.
Tinukoy ni Wang na ang kanyang inilabas na ulat at mga pahayag ay agad na napatunayan bilang pekeng impormasyon.
Salin: Lito
Pulido: Mac