Opisyal ng IFAD: Tagumpay ng Tsina laban sa ganap na kahirapan, historikal na tagumpay ng sangkatauhan

2021-02-25 11:36:38  CMG
Share with:

Dahil sa desidido at matatag na pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan ang nukleo ay si Xi Jinping, isinagawa ng Tsina nitong 8 taong nakalipas ang pinakamalawak at pinakamatinding pakikipagdigma laban sa karalitaan, sa kasaysayan ng buong daigdig.

 

Bunga nito, halos 100 milyong mamamayang Tsino ang na-i-ahon mula sa ganap na karalitaan, at 10 taong mas maagang naisakatuparan ang poverty alleviation target na itinakda sa United Nations (UN) Agenda for Sustainable Development.

 

Sa isang panayam kamakailan ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Nigel Brett, Puno ng Dibisyon ng Asya at Pasipiko ng International Fund for Agricultural Development (IFAD), naging makasaysayang tagumpay para sa buong sangkatauhan ang pagpawi ng Tsina sa ganap na karalitaan.

 

Aniya, walang ibang bansa sa daigdig ang maaaring makagawa nito sa loob lamang ng napaka-ikling panahon.

 

Bago manungkulan bilang Puno ng Dibisyon ng Asya at Pasipiko ng IFAD, 16 na taong nagtrabaho si Nigel Brett sa IFAD.

 

Mayroong siyang mayamang karanasan sa larangan ng pagbibigay-tulong sa mahihirap, kaya, lubos niyang nauunawaan ang di-madaling nakuhang tagumpay ng Tsina sa pagpawi sa ganap na karalitaan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method