Nai-ahon mula sa kahirapan sa Tsina, katumbas ng mahigit 70% ng daigdig

2021-02-25 12:02:34  CMG
Share with:

Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas, ayon sa umiiral na pamantayan sa kahirapan, 770 milyong populasyon sa kanayuan ang nabigyan ng magandang buhay.
 

Batay naman sa pamantayan ng World Bank sa kahirapan, katumbas ng mahigit 70% ng kabuuang populasyong nai-ahon mula sa karalitaan sa buong mundoang bilang ng mga Tsinong nabigyan ng mas maginhawang pamumuhay.
 

Sa kanyang talumpati sa isang aktibidad kaugnay ng kampanya ng Tsina sa pagpawi sa kahirapan, Huwebes, Pebrero 25, 2021, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na aktibong isinasagawa ng kanyang bansa ang pandaigdigang kooperasyon sa pagbabawas sa karalitaan, isinasabalikat ang pandaigdigang responsibilidad sa pagbabawas sa karalitaan, ipinagkakaloob sa abot ng makakaya ang tulong sa mga umuunlad na bansa, at pinapasulong ang pandaigdigang usapin ng pagbabawas sa karalitaan.
 

Aniya, ang tagumpay ng Tsina sa pag-ahon sa kahirapan ay naghandog ng puwersa para sa pagpapasulong sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera

Please select the login method