Ipinahayag ngayong araw, Huwebes, ika-25 ng Pebrero 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagpawi ng karalitaan at pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan ay laging itinuturing na pinakamalaking priyoridad ng partido at pamahalaan ng Tsina.
Ayon sa estadistika, mula noong taong 2012, mahigit 10 milyong tao sa Tsina ang nai-ahon mula sa karalitaan taun-taon.
Samantala, ang karaniwang netong kita ng mga tao sa mahihirap na lugar ay umabot sa 10,740 yuan RMB sa taong 2020, mula sa 2,982 yuan noong 2015.
Naisagawa ang renobasyon sa bahay ng mahigit 25 milyong mahihirap. Naitayo ang 1.1 milyong kilometrong lansangan sa kanayunan, at nailatag ang 35 libong kilometrong daambakal sa buong Tsina. May matatag na suplay ng koryente sa 99% ng mahihirap na lugar, at mayroon namang mabilis na internet access sa 98% ng mga lugar na ito.
Editor: Liu Kai