Sinimulan ngayong araw, Linggo, Pebrero 28, 2021, sa Thailand ang pag-iiniksyon ng bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mga high-risk group na gaya ng mga tauhang medikal.
Naunang binigyan ng bakuna ang 5 miyembro ng gabineteng Thai, na kinabibilangan ni Anutin Charnvirakul, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pampublikong Kalusugan ng bansa.
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand ang pag-asang makukuha ng kanyang bansa ang sapat na bakuna sa pinakamadaling panahon.
Umaasa aniyang siyang mapapanumbalik ang kaligtasan at katatagan sa bansa sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio