Sinabi nitong Lunes, Marso 1, 2021 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ang dakilang tradisyon at mabuting pag-uugali ng CPC ay mahalagang yamang espirituwal para sa mga opisyal.
Winika ito ni Xi sa seremonya ng pagbubukas ng isang programa ng pagsasanay ng mga kabataan at middle-aged o nasa katanghaliang-gulang na opisyal sa Party School ng Komite Sentral ng CPC (National Academy of Governance).
Ipinagdiinan ni Xi na ang mga mamamayan ang ugat ng lakas ng CPC. Aniya, dapat magpatuloy ang mga kabataang opisyal ng magandang tradisyon at kagawian ng partido, at huwag biguin ang pag-asa ng mga mamamayan.
Hinimok niya ang mga opisyal ng CPC na isa-isip ang orihinal na aspirasyon at misyon ng partido na naghahangad ng kaligayaan ng mga mamamayan at pag-ahon ng nasyon, at igiit ang pundamental na simulain ng partido na puspusang naglilingkod sa mga mamamayan.
Salin: Vera