American media, ipinaliwanag kung bakit pabor ang mga Tsino sa CPC

2021-02-26 03:00:38  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan sa pahayagang Christian Science Monitor ng Amerika ang artikulong pinamagatang Vilified abroad, popular at home: China’s Communist Party at 100, para ipaliwanag kung bakit nananatiling 90% pataas ang satisfaction rate ng mga Tsino sa Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Anang artikulo, pagkaraang maganap noong unang dako ng 2020 ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lumalaki ang hamong kinakaharap ng CPC, at nagiging negatibo ang atityud ng ilang bansang kanluranin sa Tsina. Pero samantala, lumalakas naman ang pagsuporta ng mga mamamayang Tsino sa CPC, dahil sa mga mabisang hakbangin ng pamahalaang Tsino sa paglaban sa pandemiya.

 

Ayon pa rin sa artikulo, nitong mga taong nakalipas, pinamumunuan ni Edward Cunningham, direktor ng Ash Center China Programs sa Harvard Kennedy School, ang isang nagsasariling imbestigasyon sa opinyong publiko sa Tsina.

 

Ipinalalagay ni Cunningham, bukod sa paglaban sa COVID-19, ang mga natamong bunga ng Tsina sa pagpawi ng karalitaan, pagsupil sa korupsyon, at iba pa, ay nagdaragdag din ng kasiyahan ng mga mamamayang Tsino sa CPC.

 

Editor: Liu Kai

 

Please select the login method