Tsina, nanguna sa aplikasyon ng patente sa 2020: WIPO

2021-03-03 12:15:17  CMG
Share with:

 

Tsina, nanguna sa aplikasyon ng patente sa 2020: WIPO_fororder_2

 

Ang Tsina ang may pinakamaraming aplikasyon sa patente sa daigdig noong 2020 sa World Intellectual Property Organization (WIPO). Ito ang ikalawang taon na nanguna ang bansa sa patent filing sa daigdig.

 

Nakasaad ito sa pinakahuling ulat ng WIPO na inilabas ng nitong Martes, Marso 2, 2021.

 

Anang ulat, noong 2020, pumalo sa 275,900 ang bilang ng mga aplikasyon na inihain sa Patent Cooperation Treaty (PCT) ng WIPO, na mas mataas ng 4% kumpara sa taong 2019. Ito rin ang pinakamataas na bilang sa kasaysayan, sa kabila ng tinayang pagbaba ng GDP ng daigdig.

 

Kabilang dito, umabot sa 68,720 ang ipinatalang patente ng Tsina noong 2020, na mas malaki ng 16.1% kumpara sa taong 2019.

 

Kasunod ng Tsina ay ang Estados Unidos na may 59,230 aplikasyon na mas mataas ng 3%, Hapon na may 50,520 aplikasyon, South Korea na may 20,060 aplikasyon, at Alemanya na may 18,643 filing.

 

Ayon sa ulat, nitong apat na taong singkad, ang telecom company na Huawei ng Tsina ay nanguna sa mga kompanya sa paghain ng PCT applications. Kasunod ng Huawei ang Samsung Electronics ng Timog Korea, Mitsubishi Electric Corp. ng Hapon, LG Electronics Inc. ng Timog Korea, at Qualcomm Inc. ng Amerika.

 

Kasali naman sa 10 unibersidad na may pinakamaraming aplikasyon ang lima galing sa Tsina, apat mula sa Amerika at isa mula sa Hapon.  

 

Ang University of California, na may 559 isinapublikong aplikasyon, ay nanatiling top applicant sa mga institusyong edukasyonal noong 2020. Kasunod nito ang Massachusetts Institute of Technology na may 269 applications, Shenzhen University ng Tsina na may 252 applications, Tsinghua University ng Tsina na may 231, Zhejiang University na may 209 applications.

 

Ang PCT na nagkabisa noong 1978 ay isa sa mga pinakamalawak na ginagamit para suriin ang mga aktibidad na inobatibo. 

 

 

Salin: Jade

Pulido: Mac  

Please select the login method