Tsina, magkakaloob ng ikalawang pangkat ng bakuna sa Ehipto

2021-03-03 10:36:23  CMG
Share with:

Sa isang preskong idinaos kamakailan sa Cairo, Ehipto, sinabi ni Liao Liqiang, Embahador ng Tsina sa Ehipto, na noong Pebrero 22, nakipag-usap sa telepono si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Egyptian counterpart na si Abdelfattah al Sisi kung saan nagkasundo sila hinggil sa mga  ng mahalagang isyung gaya ng pagpapalakas ng kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pragmatikong kooperasyon.

 

Pagkatapos nito, dumating noong Pebrero 23 ng Cairo ang unang pangkat ng bakunang kaloob ng Tsina. Ito ay mahalagang pagpapakita ng pagsasakatuparan ng nasabing pagkakasundo ng dalawang lider.

 

Bukod dito, ipinatalastas sa nasabing preskon ni Liao na ipagkakaloob ng pamahalaang Tsino ang ikalawang pangkat ng bakuna sa Ehipto para suportahan ang mga mamamayan ng Ehipto sa pagtatagumpay kontra pandemiya sa lalong madaling panahon.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method