Industriya ng sasakyang ng bagong enerhiya ng Tsina, nangunguna sa daigdig nitong nakaraang 6 na taon

2021-03-04 16:25:04  CMG
Share with:

Ayon sa datos na ipinalabas kamakailan ng Ministri ng Industriya at Impormasyon ng Tsina, ang kapwa bolyum ng paggawa at pagbenta ng sasakyang ng bagong enerhiya ng Tsina ay nangunguna sa daigdig nitong nakaraang 6 na taon.

Industriya ng sasakyang ng bagong enerhiya ng Tsina, nangunguna sa daigdig nitong nakaraang 6 na taon_fororder_xinnengyuan

Hinggil dito, ipinahayag ng mga dalubhasa na ang sasakyang ng bagong enerhiya ay mahalagang direksyon ng berdeng pag-unlad at pagbabago ng industriya ng sasakyang de-motor sa buong daigdig.

 

Anila, mainam ang pag-unlad ng sasakyang ng bagong enerhiya ng Tsina salamat sa mahigit na 60 patakaran na sunud-sunod na ipinalabas ng nitong ilang taong nakalipas, at mga inobasyon at pagsusubok ng mga kompanyang Tsino.

 

Samantala, tinukoy din kamakailan ni Xiao Yaqing, Ministro ng Industriya at Impormasyon ng Tsina, na ang industriya ng sasakyang ng bagong enerhiya ng Tsina ay nasa mahalagang panahon ng pag-unlad.

 

Sinabi niya na sa susunod, isasagawa ang mga hakbanging kinabibilangan ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, para magdulot ng bagong puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad sa naturang industriya.

 

Salin:Sarah

Please select the login method