Paggamit ng mga renewable energy ng Tsina, matatag na lumaki noong 2020

2021-02-01 17:22:54  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas kamakailan ng Pambansang Administrasyon ng Enerhiya ng Tsina, umabot sa mahigit 2.2 trilyong kilowatt hour ang installed capacity ng koryenteng nalikha sa pamamagitan ng mga renewable source of energy ng Tsina noong 2020.

 

Ang bilang na ito ay lumaki ng halos 8.4% kumpara sa taong 2019, ayon pa rin sa datos.

 

Ang pagpapaunlad ng renewable energy ay mahalaga para sa pagbabawas ng emisyon ng carbon dioxide.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng Pambansang Komisyon ng mga Dalubhasa sa Pagbabago ng Klima ng Tsina, na hanggang sa taong 2030, ang bagong pangangailangan sa enerhiya bunsod ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina ay mapupunan, pangunahin na, sa pamamagitan ng mga non-fossil fue.

 

Sinabi rin ng nasabing komisyon na hindi rin lalaki ang kabuuang bolyum ng fossil fuel na gagamitin ng bansa sa naturang panahon.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method