Binuksan ngayong araw, Marso 4, 2021 sa Beijing, ang Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Lupon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), kataas-taasang organong tagapayo ng Tsina.
Taun-taon, nagpupulong ang mga kagawad nito, para talakayin ang mga suliraning pang-estado, at sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga mosyon, inihaharap ang mga mungkahi sa mga organong gumagawa ng desisyon, para sa pagsasa-alang-alang, habang itinatakda ang mga patakaran at hakbangin.
Sa ika-3 sesyon ng CPPCC noong isang taon, isinumite ng mga kagawad ang mahigit sa 5,000 mosyon.
Pero, sinu-sino ang mga kagawad ng CPPCC?
Ayon sa official website ng CPPCC, ang mga kagawad ay mula sa iba’t ibang partido, mga pangunahing samahang panlipunan, at iba't ibang sirkulo ng Tsina.
Halimbawa, ang mahigit 2,100 kagawad sa kasalukuyang sesyon ay kabilang sa 34 na kategorya na gaya ng mga susunod:
1. Communist Party of China (CPC);
2. Revolutionary Committee of the Chinese Kuomintang;
3. China Democratic League;
4. China Democratic National Construction Association;
5. China Association for Promoting Democracy;
6. Chinese Peasants and Workers Democratic Party;
7. China Zhi Gong Party;
8. Jiu San Society;
9. Taiwan Democratic Self-government League;
10. mga personaheng walang kasapi sa mga partido;
11. Communist Youth League of China;
12. All-China Federation of Trade Unions;
13. All-China Womens Federation;
14. All-China Youth Federation;
15. All-China Federation of Industry and Commerce;
16. China Association for Science and Technology;
17. All-China Federation of Taiwan Compatriots;
18. All-China Federation of Returned Overseas Chinese;
19. sirkulo ng panitikan at sining;
20. sirkulo ng siyensiya at teknolohiya;
21. sirkulo ng social sciences;
22. sirkulo ng kabuhayan;
23. sirkulo ng agrikultura;
24. sirkulo ng edukasyon;
25. sirkulo ng palakasan;
26. sirkulo ng media;
27. sirkulo ng medisina at kalusugan;
28. grupong may kinalaman sa mga mapangkaibigang suliranin sa ibang bansa;
29. grupong may kinalaman sa kagalingan at social security;
30. mga pambansang minorya;
31. sirkulo ng relihiyon;
32. Hong Kong Special Administrative Region;
33. Macao Special Administrative Region; at
34. mga personahe sa paanyaya ng CPPCC
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan