Ayon sa datos ngayong Marso 5, 2021, ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 9 ang naitalang bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19 ) sa Chinese mainland, at lahat ng mga kumpirmadong kaso ay galing sa ibang bansa.
Samantala, 2 ang naitalang bagong pinaghihinalang kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, na galing sa ibang bansa.
Hanggang 24:00 Marso 4, 2021, 178 ang bilang ng mga umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland.
Samantala 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido: Mac