6 karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; lahat, galing sa labas ng bansa

2021-02-28 13:13:24  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 6 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, Pebrero 27, 2021, at ang lahat ay galing sa labas ng bansa.
 

Hanggang 24:00H Pebrero 27, 2021, 218 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland (isa ay nasa grabeng kondisyon).
 

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method