Pabubutihin ng Tsina ang pagsasagawa ng proyektong pansiyensiya’t panteknolohiya at mapanlikhang base, at isusulong ang malaking proyektong “Inobasyong Pansiyensiya’t Panteknolohiya 2030.” Ito’y ayon sa Government Work Report na isinumite Biyernes, Marso 5, 2021 ng pamahalaang Tsino sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) para suriin sa kasalukuyang taon.
Bukod dito, mas padaramihin ang budget sa basic research para mapataas ang mapanlikhang kakayahan ng mga bahay-kalakal, mapasigla ang inobasyon ng mga talento, at mapabuti ang sistema at mekanismo ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya.
Salin: Lito
Pulido: Mac