Sa Government Work Report na ginawa Biyernes, Marso 5, 2021 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), tinukoy niya na ang nakaraang taon ay isang napaka-di-ordinaryong taon sa kasaysayan ng bagong Tsina.
Sinabi ni Premyer Li na sa harap ng mga grabeng epektong dulot ng biglang sumiklab na pandemiya ng Corina Virus Disease 2019 (COVID-19), malalim na resesyon ng kabuhayang pandaigdig, at iba pa, natamo ng Tsina ang malaking estratehikong bunga sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at naging tanging pangunahing ekonomiya sa buong daigdig na naisakatuparan ang paglaki ng kabuhayan.
Bukod dito, natamo aniya ng Tsina ang komprehensibong tagumpay sa pagpawi sa karalitaan. Natamo ang mapagpasiyang tagumpay sa komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, na ikinasisiya ng mga mamamayan, napapansin ng daigdig, at puwedeng itala sa kasaysayan ng bagong Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Mac