Sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access Facility o COVAX, mahigit 20 milyong dosis na bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay inihatid na sa 20 bansa ng daigdig, ipinahayag ito Marso 5 , 2021, ng World Health Organization (WHO).
Sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO, na ihahatid ng COVAX sa susunod na linggo ang 14.4 milyong dosis na bakuna sa ibang 31 bansa.
Pero, sinabi niyang maliit pa rin ang bolyum ng bakuna na ipinagkaloob ng COVAX, sumaklaw ito ng 2% sa 3% na populasyon lang ng mga bansa na tumanggap ng bakuna mula sa COVAX.
Samantala, ayon kay Tedros, nagsisikap ang WHO para mag-ugnay ng mga kumpanya ng pagpoprodyus ng bakuna at mga kumpanya na mayroong labing kakayahan ng pagpupuno at pagtatapos, na makatulong sa pagbibilis ng pagpoprodyus ng bakuna at pagdaragdag ng bolyum nito.
Ang COVAX ay pandaigdigang inisyatiba na magkakasamang pinagmumunuan ng World Health Organization(WHO) at mga partners nito, na naglalayong maigarantiya ang pantay-pantay na pagkuha ng bakuna kontra COVID-19 ng lahat ng miyembro nito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio