Sa regular na preskon nitong Lunes, Marso 1, 2021, sinabi ni Dr. Michael Ryan, Executive Director ng Health Emergencies Program ng World Health Organization (WHO) na di-mahusay at di-realistiko ang pananaw na matatapos ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng taong 2021.
Aniya, sa kasalukuyan, ang pokus ng mga gawain ng WHO ay pigilan hangga’t makakaya ang pagkalat ng virus.
Salin: Vera